|
92312
Wednesday, October 31, 2012 • 9:44 PM • 0 comments Time check: 9:44 pm Sleep just seems to avoid me during this hours. Kaya ngayon feel ko nanaman mag-isip ng kung anu-anong bagay. Lalo na ang mga bagong pangyayari ngayon sa buhay ko. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako o totoo ang mga ito. Nakakatuwa lang isipin na ang lalaking iniiyakan mo noon, nasa iyo na ngayon. Na sa dinami-rami ng stopovers ninyo pareho, sa isa't-isa din pala ang bagsak niyo. Noong nakaraang taon nga, halos di kayo nagpapansinan. May iba siyang kasintahan at ikaw nama'y may kinababaliwang iba. At sa pagpasok ng school year 2012-2013, doon pala ulit kayo magkakasama, Na sa loob lamang ng ilang linggo ay bumalik ang nararamdaman niyo noon sa isa't-isa. Yung akala mo ay wala na, yun pala ay natabunan lamang ngunit kailanman ay hindi nawala. Pee bee bee teens nga ba? Sa tingin ko hindi. Para sa akin ay hindi. Dahil kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung kailan ako nagkakagusto at nagmamahal ng isang tao, lalo na ang pagkakaiba ng mga ito. Naniniwala ako na kung ano man ang meron sa amin ngayon ay hindi pee bee bee teens. Gusto ko siya. At sa edad na labinglima, alam kong totoo ang nararamdaman ko. Kaya ko itong panindigan. Sa unang pagkakataon sa blog na ito ay nagpakaseryoso ako. Saksi kayo sa pagigigng "childish" at "immature" ko ngunit sa pagkakataon na ito, gusto kong patunayan sa inyo na nagmature na ako. Lalo na ngayon at graduating na ko. Gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya. Yun na yun. :)
|
SOME WORDS! Welcome to my Cyberhome! Clay-a here. Omo, I can't personally tour you around. Meanwhile, here is Moggle (image above) to accompany you on your journey to my seemingly foolish life. Nevertheless, your presence is highly appreciated. d(>w<)b Clay's life story
Goodies
Rewind Credits ![]() Big helped: Aulia Septiya Edited: Clay! |